Elections sa 2022, tuloy pa rin — COMELEC

Tuloy pa rin ang eleksyon sa 2022.

Ito ang tiniyak ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, sa kabila ng posibilidad ng ilang pagbabago sa patakaran sa halalan, base na rin sa naging pahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Matatandaang ang nasabing nakaambang pagbabago sa 2022 elections, ay sakaling may peligro pa ring dala ang COVID-19 sa oras na sumapit ang naturang halalan.

Ilan aniya sa mga posibleng magbago, ay ang panahon o itatagal ng botohan maging ang paraan ng pangangampanya.

Para naman kay Jimenez, nakasaad sa constitution ang eleksyon kaya sa mga nais na mag-reset nito, ay pwede aniyang amyendahan ang batas kung san nangangailangan ito ng plebesito.

Giit ng opisyal, may sapat na panahon ang Comelec para paghandaan ang parating na halalan.

Binigyang diin din ni Jimenez, na kayang gawin ng Comelec na safe ang paparating na halalan.