Eksperto sa agrikultura, ginawaran bilang National Scientist

Ginawaran ng titulo bilang National Scientist ng Palasyo si Dr. Emil Q. Javier.

Ang paggawad ng naturang titulo ay idinaan sa Proclamation No. 781 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pinakamataas na pagkilalang iginagawad ng Pangulo ng Republika sa mga Pilipinong nakapag-ambag ng malaking kontribusyon sa larangan ng Science and Technology.

Isinulong ni Dr. Javier ang iba’t ibang polisiya at programa sa paggmit ng mga agricultural innovation na nakatutulong ng malaki sa hanay ng mga magsasaka maging sa mga mangingisda.

Bukod sa pagiging eksperto sa larangan ng agrikultura, si Dr. Javier ang siya ring nanguna sa Institute of Plant Breeding sa pagsasapubliko ng mga uri ng pananim na disease-resistant na pinakikinabangan sa kasalukuyan ng bansa at ng buong Asya.