EJK laban sa mga abogadong kritiko ng gobyerno, pinabulaanan

Mariing itinanggi ng Malaca├▒ang na umiiral ang extra-judicial killings kontra sa mga abogadong kritiko ng pamahalaan.

Ito ang naging pahayag ng Palasyo sa harap ng naging panawagan ng international organization na Lawyers for Lawyers sa Philippine government na gumawa ng hakbang upang protektahan at itigil ang mga pag-atake sa mga abogado.

Hamon ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, maglabas ng katibayan ang naturang grupo ng mga abogado at patunayan ang kanilang alegasyon.

Pagtiyak ni Panelo, mananagot sa batas ang sinomang may ginagawang pang-aabuso sa hanay ng mga abogado at ito ay kung makapaglalabas nga ng katibayan ang Lawyers for Lawyers.

Umapela din ang grupo sa Duterte administration na wakasan na ang impunity dahil ito umano ang ugat ng mga pangha-harass sa mga lawyers.

Signatories ng naturang petisyon ay mga abogadong mula sa Africa, Asia, Australia, Europe, North America at South America.