Economic managers ng gobyerno, umapela sa Kongreso na madaliin ang Agricultural Tariffication Act

Umapela ang economic team ng pamahalaan sa Kongreso na sana ay madaliin na ang pag-amyenda sa Agricultural Tariffication Act kasama na rito ang Rice Tariffication Bill.

Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, na kung magagawang maamyendahan ang naturang bill, bababa ng P2 hanggang P7 kada kilo ang presyo ng bigas.

Ani Lambino, long overdue na ito sa Kamara, kaya umaapela sila sa Kongreso na sana ay mabigyan ng atensiyon ang kanilang panawagan na ang magbebenepsiyo naman ay ang mga consumer.

Aniya, makakabawas din ito sa inflation rate kung saan pagkain ang pinakapangunahing nakakaambag sa pagtaas ng inflation.

Crucial ayon sa finance official ang food supply sa panahong itong papalapit na ang holiday season, na inaasahang tataas ang demand. | ulat ni Alvin Baltazar