Economic cha-cha, posibleng mapagbotohan bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa June

Hindi malayo na mapagbotohan na ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 2 o ang isinusulong na economic cha-cha.

Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chair Alfredo Garbin Jr., bago nag-break ang Kamara nitong March ay nasa pitong kongresista na lang ang nakalista para sumalang sa debate.

Oras naman na matapos na ang debate ay pagbobotohan na ang RBH 2 sa ikalawang pagbasa.

Dahil dito, kumpiyansa ang kinatawan na mapagtitibay na nila ito sa Kamara sa ikatlong pagbasa bago mag-adjourn ang Kongreso.

Batay sa legislative calendar, nakatakda ang sine die adjournment ng Kongreso sa June 5 hanggang July 25, 2021.