Ecomic cha-cha, pinagtibay na ng Kamara

Matapos makuha ang kinakailangang three-fourths majority vote (251 affirmative, 21 negative, 2 abstention) ay nakalusot sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 2 o economic chacha.

Layon ng RBH2 na amyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution sa pamamagitan ng paglalagay ng mga katagang “unless otherwise provided by law”.

Paritkular dito ang Sections 2, 3, 10 at 11 ng Article XII (National Patrimony and Economy), Section 4 ng Article XIV (Education, Science and Technology, Arts, Culture and Sports) at Section 11 ng Article XVI (General Provisions)

Kabilang naman sa mga industriya na planong buksan sa mga dayuhan ang natural resources maliban sa pag-mamay ari ng lupa, public utilities, educational institutions, media at advertising

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, tanging adhikain ng RBH2 ay luwagan ang restrictive economic provisions ng Saligang Batas para mas maging competitive ang Pilipinas sa mga karatig bansa sa rehiyon.

Una nang sinabi ni House Committee on Constitutional Amendments Chair Alfredo Garbin Jr., na sa pamamagitan ng economic chacha ay mahihimok ang pag-pasok sa bansa ng foreign direct investment na makatutulong para makabawi ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Kumpiyansa naman si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na mayroong sapat na panahon ang Senado para dinggin ang bersyon ng panukala at mapagtibay upang maisabay ang plebesito sa 2022 National Elections.

Pagtitiyak din ng Mababang Kapulungan na walang kasamang political cha-cha ang ipinasa nilang bersyon.