Ebalwasyon ng DOH sa quarantine protocol na ipinatutupad ng Cebu sa kanilang paliparan, naisumite na sa Office of the President

Naiprisenta na ng Department of Health (DOH) sa Office of the President ang ginawa nilang ebalwasyon sa ipinatutupad na protocol ng Cebu local government unit para sa mga biyaherong lumalapag sa kanilang paliparan.

Matatandaang una nang nagkausap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Cebu Governor Gwen Garcia, upang talakayin ang health at quarantine protocol na ipinatutupad ng Cebu sa mga dumarating na biyahero. Hindi ito alinsunod sa quarantine measures na una nang itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, Biyernes pa lamang nang maisumite ng DOH ang rekomendasyon sa OP.

Pinag-uusapan pa aniya ito sa kasalukuyan at ang tanggapan na rin aniya ng pangulo ang mag-aanunsyo ng desisyon kaugnay dito.

“Ito po ay pinag-uusapan sa kasalukuyan. They have presented to the Office of the President and the President requested the DOH to evaluate and to provide recommendations based on their presentation to the President. So we already have submitted our recommendation yesterday afternoon and it will be the Office of the President to announce these decisions.” pahayag ni Usec Vergeire.