EastMinCom, tutulong sa paghahanap sa mga natabunan ng landslide sa Agusan del Norte

Pinakilos ni Eastern Mindanao Command Commander (EastMinCom) Major General Filemon Santos ang mga military unit sa Agusan del Norte, para magsagawa ng search and retrieval operations sa mga natabunan ng landslide sa Mt. Manhupao, Brgy. Bangonay, Jabonga, Agusan del Norte.

Batay sa ulat ng Agusan Del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Eastmincom, narekober na ang mga labi ng apat na minero na nasawi nang matabunan ng landslide dulot ng malakas na pag-ulan sa lugar noong Enero 20.

Ang mga ito ay kinilalang sina Casiano Iligan, Rene Iligan, Ramil Iligan at Tata Salahay, lahat ay pawang taga Brgy. Hinapuyan, Camen, Surigao del Sur.

Tatlong iba pa ang nawawala, na kinilalang sina Rex Penig mula sa Brgy. Hinapuyan, Jay-ay Matanog ng San Miguel, Surigao Del Sur at isang nakilala lamang sa tawag na Gang-gang ng Sibagat, Agusan Del Sur.

Ang sole-survivor sa insidente na si Alan Iligan ng Brgy, Hinapuyan ay dinala naman sa Agusan del Norte Provincial hospital para lapatan ng Lunas.

Batay sa report, ang mga minero ay nagsasagawa ng treasure hunting sa lugar nang mangyari ang insidente. | ulat ni Leo Sarne