Early retirement ni SC Associate Justice Edgardo De Los Santos, pinayagan ng Korte Suprema

Pinagtibay na ng Korte Suprema ang kahilingan ni Supreme Court (SC) Associate Justice Edgardo De Los Santos na maagang mag-retiro.

Sa bisa ng inilabas na en banc resolution na may petsang Mayo 12, inanunsyo ngayong araw ni SC Spokesman Atty. Brian Hosaka, na epektibo sa ika-30 ng Hunyo ngayong taon, ang hiling na pagreretiro o optional retirement ni Associate Justice De Los Santos.

Ikinonsidera sa resolusyon ang estado ng kalusugan o state-of-health ng mahistrado.

Nauna ng sinabi ni De Los Santos na naging mahirap sa kanya ang desisyon na maagang mag-retiro.

Sa June 2022 pa dapat ang mandatory retirement ni Justice De los Santos.

Nauna ng nag-retiro nitong buwan ng Marso, na mas maaga ng isang taon si Chief Justice Diosdado Peralta.