E-Sumbong, inilunsad ni PNP Chief Eleazar

Inilunsad ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, ang bagong sumbungan ng PNP na E-Sumbong.

Sa pamamagitan ng bagong sistema na binuo ng Directorate for Information and Communications Technology ng PNP, mamo-monitor ng PNP Chief ang aksyon ng mga pulis sa mga sumbong ng mamamayan.

Magugunitang sa pag-upo ng PNP Chief, sinabi niya na ang bawat sumbong ay ituturing na utos mula sa PNP Chief sa mga pulis na gumawa ng aksyon.

Maaring tumawag o mag-text ang mga nais magsumbong sa 0917-8475757 para sa Globe, at 0919-1601752 para naman sa Smart.

Habang e-sumbong@pnp.gov.ph para sa email.

Nilinaw naman ni Eleazar, na gumagana pa rin ang mga dating hotline ng PNP na maaari pa ring tawagan ano mang oras ng publiko.