Duty Free Philippines, dapat ng isapribado – Cong. Ron Salo

Hiniling ngayon ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo na isapribado na ang Duty Free Philippines dahil sa pagbagsak ng kita nito bilang GOCC nitong mga nakalipas na taon
 
Ayon kay Salo, sa halip na makatulong sa ekonomiya nagiging kakumpetensya pa ito ng mga lokal na mga negosyong nagbebenta ng mga lokal na souvenirs.
 
Ayon kay Salo dapat ng ipaubaya sa pribadong sektor ang mga negosyong ito sa pamamagitan ng bidding ng mga Duty Free shops sa Luzon, Visayas at Mindanao.
 
Dagdag pa ng Kabayan Partylist solon na ang mga asset at kasalukuyang empleyado ng tanggapan ay maari ding ilipat sa iba pang ahensya ng pamahalaan. | via Rene Tichangco