DTI, mamamahagi ng P10,000 bilang livelihood assistance sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Palawan

Mamamahagi ng tig-Php 10,000 ang Department of Trade and Industry (DTI) sa nasa 1, 500 na benepisyaryo sa Palawan na nasalanta ng bagyong Odette.

Ito ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez ay bukod pa sa tulong na unang ipinaaabot ng pamahalaan sa mga residente sa lugar.

Sa pagtungo nina Pangulong Rodrigo Duterte at mga opisyal ng pamahalaan sa Puerto Princesa City, sinabi ng kalihim na maglalaan ang tanggapan ng Php 15 milyong para dito.

Nasa 500 aniya ang benepisyaro mula sa Puerto Princesa, habang nasa 1,000 naman mula sa probinsya ng Palawan.

Ito ayon sa kalihim ay upang matulungan ang mga biktima ng bagyo na agad maibangon ang kanilang kabuhayan.

“So mag-a-allocate tayo ng 10 million para sa Province of Palawan.┬áBukod pa ‘yung Puerto Princesa, 500 po na 10,000 bawat isa so another 5 million. Fifteen million po para ho makabangon kaagad ‘yung kabuhayan nung mga nawalan na ating kababayan,” ani Secretary Lopez.

Sa kasalukuyan aniya, nagsasagawa na ng assessment ang DTI para dito.