DTI-Batanes, nagsagawa ng Business Education Forum sa mga negosyante sa probinsya

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagdating ng mga enforcement team mula sa Department of Trade and Industry  (DTI) Region 2, nagsagawa ng malawakang Business Education and Information Forum ang DTI – Batanes Provincial Office.

Layunin ng programang ito ng ahensya na paalalahanan ang mga negosyante sa probinsya sa iba’t ibang mga batas na dapat sundin sa pagnenegosyo.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ng DTI ang patungkol sa price tag law, Consumer Act of the Philippines, Product Standards Law, Repair Shop Accreditation, Price Act, Clean Air Act at Business Law. | ulat ni Espie Argonza – DWBT Radyo Pilipinas Batanes