DSWD XI, naghahanda na para sa pagdating ng bagyong Crising

Naghahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI para sa paparating na bagyong Crising.

Siniguro ng DSWD XI na kaya nitong tugunan ang posibleng epekto ng ng bagyong Crising sa Davao Region, kung saan isinailalim na sa Tropical Storm Warning signal no. 2 ang ilang lugar tulad ng Davao Oriental, Davao de Oro at Davao del Norte.

Sa ngayon, may nakahandang stockpile at standby funds na P25,111,734.50 para sa disaster response.

May kabuuang 10,987 family food packs (FFPs), na nagkakahalaga ng ₱5,005,677.20 ang nakaposisyon sa DSWD Warehouse, sa Barangay Bago Oshiro, Davao City, na inilaan sa mga local government unit na maapektuhan ng matinding kalamidad.

On hand na rin ang ₱4,651,125.00 worth ng raw food items, ₱12,454,932.30 worth ng non-food items, at ₱3,000,000.00 worth ng standby funds, na maaaring gamitin sa panahon ng karagdagang pangangailangan.