DSWD, pinagkalooban ng mga bagong IT equipment ng Int’l Organization for Migration

Kabuuang 21 Information Technology (IT) equipment na nagkakahalaga ng ₱3.3-million pesos ang ipinagkaloob ng International Organization for Migration sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga equipment ay pinondohan ng United States Agency for International Development.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista magagamit ang mga IT equipment para mapalakas pa ang kakayahan ng mga disaster response personnel sa local at national level sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna.

Ang mga donasyong IT equipment ay ipapamahagi ng ahensya sa lahat ng DSWD Field Offices nito.

Sinabi pa ng kalihim na magagamit din ang mga IT equipment sa pagbuo, pagpapatupad, at paghahatid ng mga pinagsamang programa sa pamamahala sa disaster response sa mga sektor na bulnerable sa panganib pati na ang pagbibigay ng napapanahong impormasyon sa publiko

Sa pamamagitan ng mga bagong kagamitan tiniyak ng DSWD na magpapatuloy ang paglaban nito sa banta ng COVID-19 pandemic at mananatiling totoo sa kanyang commitment na magbigay ng serbisyo sa publiko.