DSWD, nakatutok na rin sa mga pasareho na lumuluwas sa mga lalawigan ngayong Kwaresma

Nagpahayag din ng kahandaan ang Department of Social Welfare and Development na magbigay ng tulong sa mga bumibiyahe lalo kapag na-stranded ng hindi inaasahan.

Ginawa ni DSWD OIC Emmanuel Leyco ang pagtiyak kasabay ng pag-uwi ng mga tao sa kanilang lalawigan ngayong Mahal na Araw.

Mayroon pang higit P307 milyong pisong standby funds at 370,567 Family Food Packs ang DSWD sa mga strategic areas sa buong bansa na maaaring magamit sa panahon ng isang linggong paggunita ng Kwaresma.

Bahagi din ng paghahanda ng DSWD ay ang patuloy na monitoring ng Disaster Response Management Bureau sa weather conditions at koordinasyon sa mga regional counterparts.

Payo pa ni Leyco sa publiko, gawing ligtas ang banal na araw at parating i-prioritize ang kaligtasan ng pamilya at tahanan bago bumiyahe. | via Rey Ferrer