DSWD, mag-aalok ng psychosocial support sa publiko sa pamamagitan ng online platforms

Pasisimulan na ng Department of Social Welfare and Development sa National Capital Region, Central Visayas at CARAGA ang kanilang psychosocial support sa publiko na lubhang naapektuhan ng COVID-19 .

Kamakailan lang inilunsad ng DSWD ang WiSUPPORT o “Wireless Mental Health and Psychosocial Support para sa mga individuals at Families na apektado ng COVID-19 at iba pang crisis situations.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, gagamit ng
online platforms ang WiSUPPORT tulad ng electronic mail, web portal, DSWD WiServ, telephone, at mobile application upang madali sa publiko ang maka-access sa iba’t ibang communication tools para makausap ang DSWD WiSUPPORT service providers.

Sabi pa ng kalihim na ang WiSUPPORT ay isa sa mga hakbang ng kagawaran upang matiyak ang pangkalahatang estado ng mental well-being ng publiko ay inuuna sa gitna ng pandemiya.