DSWD, handa na sa pananalasa ng bagyong Samuel

Kasunod ng ulat ng pagdating sa bansa ni tropical depression Samuel mamayang gabi,inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang resources para sa mga lalawigan na posibleng maapektuhan ng pananalasa nito.

Ayon sa bagong talagang DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Glenda Relova, lahat ng social welfare and development teams ay nakaabang na para sa “logistics and workforce augmentation”.

Sa ngayon may 374,104 family food packs na aabot sa higit P137 milyon at food at non-food items na nagkakahalaga ng P879.3 milyon ang nakahanda na sa DSWD.

Karagdagan pa dito ang P1.1 trillion standby funds sa central at field offices na handang magamit para sa agarang pagresponde.

Nanawagan pa ang DSWD sa taumbayan na maging handa at sumunod sa utos ng Local Government Units (LGUs) upang maiwasang mapahamak bago at pagkatapos ng pananalasa ni bagyong Samuel.| ulat ni Rey Ferrer