DSWD-Bicol patuloy ang pamamahagi ng Social Amelioration Fund 

Kinumpima ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Regional Director Arnel Garcia na patuloy ng ibinabahagi ang Social Amelioration Fund sa mga kwalipikadong pamilya sa rehiyon na labis na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ito ng opisyal matapos 100% na nai-release ng DSWD-Bicol ang mahigit P4-billion na pondong inilaan sa programa alinsunod sa  Republic Act 11469 o  Bayanihan to Heal as one Act.

Saklaw nito ang mahigit 100 mga bayan at lungsod sa mga probinsiya ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.  Mahigit sa 3,000 ang barangay sa Bicol.

Sinabi ni Garcia na prayoridad na dapat mabigyan ang mga 4Ps beneficiaries at kasama sa Listahanan 2.0.

Aniya, sa rehiyon ay may mahigit sa 1.362-milyong pamilya ang 4Ps beneficiaries, at mahigit naman sa 1.146 na milyong mag-anak  sa rehiyon ang tinaguriang “poorest-of-the-poor.”

Nagsumite, ang mga lokal na pamahalaan ng mga dokumento  sa DSWD Bicol, para  ma-release ang pondo sa kanila.

Inilahad ng opisyal, ang ilang mga lugar sa rehiyon na patuloy ang  pamamahagi ng Social  Amelioration Fund, gaya ng Tabaco, Albay; Calabanga; Sangay, Camarines Sur, at iba pa.