Drug-Free Workplace Program, inilunsad ng PDEA sa Makati

Hinimok na rin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang lahat ng business establishments sa Makati City na isulong ang safe and drug-free environment.

Ang apela ay ginawa ni Aquino kasabay ng inilunsad na Drug-Free Workplace in Hotels, Restaurants, Bars, Condos, Subdivisions and Warehouses sa Makati City kasama si Mayor Marlen Abigail Binay-Campus.

Ang pagpapatupad ng drug-free workplace policies and programs para sa pribadong sektor ay naaayon din sa guidelines ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Layon nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga business establishments, kabilang ang mga security agency tungkol sa usapin ng illegal drugs.

Hindi lamang nakatuon ang anti-drug advocacy program sa pagtataguyod ng drug-free workplace kundi nagbibigay din ng impormasyon sa mga modus operandi ng mga drug syndicate na pati na mga subdibisyon, hotels at condominium ay ginagamit ng drug dens, laboratories at warehouse.

Una nang ginawa ang pilot implementation ng programa sa Quezon City noong February 21,2019 .