Drive-thru vaccination site, nakapagbakuna na ng mahigit 200 katao

Umaabot sa mahigit 200 katao ang nabakunahan sa unang araw nang buksan ang SM Fairview Drive-thru site, na mula sa Barangay Greater Lagro at Barangay Pasong Putik, na pawang mula sa A1-A3 priority groups laban sa COVID-19.

Ang drive thru vaccination site para sa A1-A3 priority groups sa SM Fairview sa District 5, ay bahagi ng pagpapalakas ng vaccination program ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Mayor Belmonte, ang mga taga Quezon City na tatanggap ng bakuna sa drive thru ay sasailalim sa nakagawiang proseso, tulad ng site registration, screening, vaccination, at post vaccination evaluation,na ang mga pasyente ay maaring mai-park ang kanilang sasakyan sa designated slots.

Babalik sa operasyon ang drive thru vaccination site sa Sabado, para sa mga residenteng nagparehistro sa pamamagitan ng barangay-assisted booking scheme.

Hinikayat ni Belmonte ang mga QCitizens, na magpa book ng kanilang vaccination schedule sa EZConsult website o sa barangay-assisted booking.