Drilon: Posibleng mabuwag ang Senado kapag nagtagumpay ang pagtatag ng federal-parliamentry system sa Pilipinas

Sa isang panayam, sinabi ni Drilon na sa mga umiiral na Parliamento sa buong mundo, karaniwan na umano na ang Mataas na Kapulungan o Senado ay pormalidad na lamang, na sa totoo ay wala nang tunay na kapangyariahan.

Tahasang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na malaki ang posibilidad na mabubuwag ang Senado kapag nagtagumpay ang pagtatag ng Pederalismo sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Drilon na sa mga umiiral na Parliamento sa buong mundo, karaniwan na umano na ang Mataas na Kapulungan o Senado ay pormalidad na lamang, na sa totoo ay wala nang tunay na kapangyariahan.

Dagdag pa ng minority leader, ang Mababang Kapulungan ay ang nagiging dominanteng Kamara sa sistemang Parliamentaryo, at naisa-santabi na lamang ang Senado o tuluyan ng binubuwag.

Una rito, umalma si Drilon sa mga pagpuna at pag-atake ni House Speaker Bebot Alvarez sa Senado, partikular na ang pagtawag dito bilang isang ‘mabagal na kapulungan.’

Paniwala ni Drilon, ang mga nasabing pag-atake sa Senado ay sinadya para pahinain ang Mataas na Kapulungan bilang isang institusyon.

Dahil dito, sinabi ni Drilon na kanyang igigiit ang hiwalay na botohan ng Senado at Kamara sa usaping Charter Change at sa panukalang pagpapalit ng porma ng gobyerno tungo sa Pederalismo. | via Jojo Ismael