DPWH Sec. Villar, suportado ang pag-abolish sa Road Board na siyang humahawak sa mga nakokolekta mula sa MVUC

Sa budget hearing ng ahensya sa Senado, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na tiwala siya sa magiging desisyon ng mga mambabatas matapos siyang tanungin ni Sen. Loren Legarda hinggil sa kanyang posisyon sa panukalang batas na pag-abolish sa Motor Vehicles Users Charge (MVUC).

Sa naturang panukalang batas kasi, malilipat na sa DPWH at Department of Transportation (DOTr) ang mandato ng Road Board. Dismayado kasi ang mga mambabatas na tila hindi nagagawa ng board ang trabaho sa alegasyon ng korapsyon.

Bicameral conference na lamang ang hinihintay upang pirmahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at tuluyan itong maisabatas. Magkaiba pa kasi ang inilatag na hatian ng Kongreso at Senado kung saan mapupunta ang road tax proceeds o MVUC. | ulat ni Czarinah Lusuegro.

Photo courtesy: Sen. Ping Lacson FB page