DOT, hinimok ni Cong. Evardone na paigtingin ang kampanya sa ibang tourist attractions na maaaring alternatibo sa Boracay

Kasunod ng kumpirmasyon na tuluyang isasara ang Boracay Island sa April 26 ay hinimok ngayon ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang Department of Tourism na maging agresibo sa pangangampanya nito sa ibang tourist spots sa bansa na maaaring gawing alternatibo ng mga turistang maaapektuhan ng Boracay closure.

Ayon sa mambabatas, dapat na isaalang-alang ng ahensya ang 700,000 foreign tourist na nakansela ang Boracay trip gayundin ang mabigat na magiging epekto nito sa tourism revenues.

Nananatiling kumpiyansa naman ito na sa dami ng world class tourist destinations sa Pilipinas ay marami namang magiging opsyon ang mga turista.

Kailangan lang rin aniya na maging proactive pati na rin ang mga tour operators upang alalayan ang mga turista at ialok sa iba pang natatagong hiyas ng bansa. | via Merry Ann Bastasa