DOT ad issue, iniimbestigahan pa ayon kay SAP Go

Nilinaw ngayon ni Special Assistant to the President (SAP) Secretary Bong Go na wala pa sila sa estado ng imbestigasyon kaugnay ng advertisement controversy sa pagitan ng Department of Tourism (DOT), PTV 4 at ng Bitag Media Unlimited Inc.

Paliwanag ng kalihim, sa ngayon ay nasa estado sila ng pagtingin sa bawat impormasyon kaugnay ng kasalukuyang kontrobersiya.

Paglilinaw ni Go, inaalam nila sa ngayon ang buong istorya at wala pa namang partikukar na indibidwal na tinutumbok ang imbestigasyon.

Ginawa ni Go ang pagkaklaro kasunod ng paglutang ng pangalan ni PCOO Secretary Martin Andanar na iimbestigahan na rin umano ang 60 million pesos commercial na umere sa kilos pronto na programa ni Ben Tulfo sa PTV 4.

Sabi ni Go, naghihintay pa rin sila ng mga impormasyon kaugnay ng isyu ng DOT advertisement controversy at mula doon ay saka magkaroon ng pagsisiyasat gayung ang Pangulong Duterte mismo ay nais malaman ang katotohanan tungkol dito. | via Alvin Baltazar