DOLE, may good news sa mga empleyado ngayong Dec. 20

Magiging masaya umano ang Pasko ng mga empleyado ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa aasahang good news sa susunod na araw.

Ayon kay Labor Secretary Silvetre Bello III, handa na ngunit ngayong Disyembre 20 pa umano nila ito iaanunsyo kasabay ng Christmas Party ng nasabing ahensiya.

Siniguro naman ng kalihim, na makakatulong at makapagbibigay saya ito sa lahat ng mga empleyado lalo na ngayong Kapaskuhan.

Samantala, sinabi naman ng kalihim na mabuting sinusunod umano ng private companies ang pagpapatupad ng salary adjustments sa kanilang mga empleyado.

Sa buong bansa, tanging ang CARAGA Region na lamang umano ang hindi nakakapag-adjust ng kanilang sweldo.

Ngunit siniguro naman ng opisyal na may salary increase sa nasabing rehiyon sa susunod na taon. | ulat ni Sheila Lisondra РRadyo Pilipinas Davao