DOLE, ipinagmalaki ang higit 411,000 na mga dating contractual employees na naging regular sa trabaho

Ipinagmalaki ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umabot na sa 411,000 mga dating contractual employees ang na-regular na sa kani-kanilang mga trabaho magmula ng pumasok ang administrasyong Duterte.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Silvestre Bello, maituturing na ito’y “unprecedented” na ang ibig sabihin ay wala pang nakagagawa kung ang pag-uusapan ay ang pagbibigay ng security of tenure sa mga manggagawang Pinoy.

Binigyang-diin ni Bello na 70 porsiyento ng higit 411,000 mga empleyadong na-regular sa trabaho ay bunga ng pagkukusa mismo ng kanilang mga employer na sila ay maging regular employee, habang ang 30 percent ay bunga ng compliance order mula sa Department of Labor and Employment.

Kahayagan ani Bello ito na kinikilala ng maraming mga kumpanya ang umiiral na Constitutional provision ng security of tenure.

Pahayag ng kalihim, mismong mga malalaking kumpanya ang kasama sa bahagdan ng mga employers na nag-regular ng kanilang mga empleyado mula sa malalaking construction company, kilalang fast food chain, sikat na mall company at iba pa.  | ulat ni Alvin Baltazar