DOLE, DFA, dapat paghandaan ang posibleng pag-uwi ng OFWs na apektado ang trabaho dahil sa COVID-19

Nanawagan si ACT-CIS Partylist Representative Jocelyn Tulfo sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) na paghandaan ang posibleng pag-uwi ng mga OFW mula sa Middle East.

Ayon sa mambabatas, inaasahang mababawasan kasi ang demand para sa mga OFWs sa mga oil-rich countries ngayong patuloy ang pagbulusok ng halaga ng langis sanhi pa rin ng COVID-19.

Habang maaga pa lamang ay dapat na aniyang maghanap ng alternatie market ang DOLE para sa OFWs na gustong magpa-re-deploy.

Habang hinimok rin nito ang pamahalaan na kunin ang mga technically skilled OFWs para sa Build, Build, Build Program ng pamahalaan.

Bukod dito, muli ring nanawagan ang lady solon sa Senado na aprubahan na ang kanilang bersyon ng panukalang bubuo sa isang OFW Department sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa Mayo.