Dokumento ng pagkakatalaga kay Chief Legal Counsel Panelo bilang Presidential Spokesperson, inilabas ng Malacañang

Inilabas na ng Palasyo ang memorandum na nagtatalaga kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo bilang bagong Presidential Spokesperson.

Ang pagkakatalaga kay Panelo bilang bagong tagapagsalita ng Presidente ay nilagdaan kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Bukod sa pagiging spokesperson ng Pangulo, magpapatuloy pa din naman si Panelo sa kanyang trabaho bilang Chief Legal Counsel.

Tiniyak naman ni Panelo, na kanyang pananatilihin ang parehong team sa tanggapan ng presidential spokesperson at wala aniya siyang gagalawin dito bagama’t may gagawin siyang mga pagbabago.

Samantala, idinagdag ni Panelo na nagkausap sila ni Atty. Harry Roque at nagsabing haharap ito sa Malacañang Press Corps (MPC) sa Lunes upang personal na magpaalam. | ulat Alvin Baltazar