DOJ, suportado ang batas na magpapaluwag ng mga kulungan

Suportado ng Department of Justice (DOJ) ang mga panukala na layong malutas ang problema ng congestion o siksikan sa mga prison facility sa bansa.

Ginawa ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pahayag sa gitna ng mga panawagan na magtayo ng tatlong maximum penal institution, tig-isa sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon kay Guevarra, ito ay isyu na lamang ng legislative priority na kadalasang naibibigay sa public works at education.

Posible naman umanong maging game changer ang pagsasapribado ng mga property ng New Bilibid Prison (NBP),na maaaring ibenta na pwedeng pagkunan ng pondo. Gayunman, ito raw ay isasailalim sa komprehensibong legal audit at feasibility study, idagdag pa ang political will para ito ay maisakatuparan.