DOJ, isinusulong na maging ganap na batas ang BI Modernization Bill sa Kongreso

Isinusulong ng Department of Justice (DOJ) na maging ganap na batas ang Bureau of Immigration Modernization sa kongreso.

Pahayag ni Secretary Menardo Guevarra, na kapag naisabatas na ang naturang panukala, ay nakapaloob na rito ang reorganization sa hanay ng immigration officials.

Ito rin ang naging tugon ni Sec. Guevarra sa panawagan ni Senador Franklin Drilon, na dapat magpatupad ng balasahan o reorganization sa BI para matapos na ang tila di maawat na anomalya sa ahensya.

Kahapon ay naaresto ng National Bureau of Investigagtion (NBI) sa ginanap na entrapment operation sa kanila mismong opisina, ang hepe ng NBI Legal Assistance Division na si Atty. Joshua Paul Capiral, at ang kanyang kapatid na isang immigration officer na si Christopher Capiral.

Ito ay makaraang maaktuhang tumatanggap ng extortion money para i-abswelto ang ilang opisyal na sangkot sa pastillas scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).