DOH Sec Duque: Mungkahing pagpapalawig sa ECQ sa Metro Manila, masyado pang maaga para pag-usapan

Masyado pang maaga para pag-usapan ang mungkahing pagpapalawig sa Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

Binigyang diin ni Health Sec. Francisco Duque 111 na kailangang sundin ng publiko ang minimum health standards, lalo na at sa dalawang magkasunod na araw ay nakapagtatala ng mahigit sa 12,000 bagong kaso ng COVID-19 ang buong Pilipinas.

Nanawagan naman si Sec. Duque sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang pagbabakuna, para makamit ang herd immunity sa lalong madaling panahon.

Batay sa mga datos, tinukoy ni Sec. Duque na mahigit sa 40% na ng mga residente sa NCR ang naka-kumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.