DOH: Publiko, ‘di dapat matakot sa meningococcemia

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi dapat matakot sa meningococcemia ngayon na may naitala ang lungsod ng Davao na isang namatay dahil dito.

Ayon kay Dr. Abdullah Dumama Jr., health assistant secretary for Visayas and Mindanao, nasa loob na ng katawan ng tao ang meningococcal bacteria na posibleng lumabas at lumala kung ma-expose ang indibidwal sa hindi malinis na kapaligiran, unhealthy lifestyle, mahina ang resistensya o may close contact sa iba pang meningococcal patients.

Nilinaw naman nito, na hindi airborne ang sakit ngunit mapapasa lamang sa pamamagitan ng close/direct contact sa pasyente.

Muli namang pinapaalalahanan ng opisyal ang publiko na maglinis ng paligid, panatilihin na malakas ang immune system at pag-iwas sa mga crowded place.