DOH, nagtakda ng SRP sa investigational drugs kontra COVID-19

Nagtakda na ng Suggested Retail Prices o SRP ang Department of Health (DOH) sa mga investigational drugs kontra COVID-19.

Ang naturang hakbang ay kasunod ng maraming reklamong natatanggap ng DOH, hinggil sa sobrang taas ng presyo ng mga gamot.

Ang itinakdang suggested retail price sa 100-milligrams na vial ng Remdesivir ay P1,500 hanggang P8,200.

Batay sa reklamong natatanggap ng DOH, umaabot umano sa hanggang P30,000 ang isang vial ng Remdesivir, at kadalasan ay wala pa itong opisyal na resibo.

Ayon sa DOH, masyadong mahal ang P30,000 dahil naglalaro lamang ito sa P1,000 sa India, na kabilang sa bansang supplier ng naturang gamot.

Nagtakda na rin ng SRP ang DOH sa 3 pang gamot sa COVID-19, ganundin sa mga medical device, katulad ng oxygen tank, oxygen concentrator at pulse oxymeter.