DOH inatasan ni PRRD, na tugunan ang COA report sa management ng COVID response fund

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health (DOH), na magpaliwanag ng maiigi o magbigay ng komprehensibong tugon sa ulat ng Commission on Audit (COA), kaugnay sa management ng DOH sa pondo para sa COVID-19 reponse nito.

Lumalabas sa COA report, na aabot sa P67 billion na COVID response fund ay hindi maayos na naidokumento, unliquidated, kinakitaan ng iregularidad sa procurement process, at nananatiling unobligated.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hihintayin ng pangulo ang magiging tugon ng DOH sa ulat na ito, lalo at mabigat aniya ang naging obserbasyon ng COA.

Nang tanungin naman ang kalihim kung nagtitiwala pa rin ba ang pangulo kay Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng usaping ito, sinabi ng kalihim, na hindi muna huhusga si Pangulong Duterte.

Sa halip, aantayin muna nito ang magiging tugon ng DOH at ang magiging final report ng COA.