DOH, inamin na nagkaroon ng “technical problem” kaya naitala ang mas mababang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 kahapon

Nagkaroon ng problemang teknikal kahapon, kaya mas mababa o nasa 3,083 lang ang naitalang tinamaan ng COVID-19 kahapon.

Ito ang inamin ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nagsabing may mga datos na hindi pa pumasok sa data base repository ng Department of Health (DOH) kaya mababa ang nairehistrong datos.

Nilinaw naman ni Usec. Vergeire na sa kasalukuyan ay naayos na ang “technical problem” ng DOH, katuwang ng Department of Information and Communication Technology o DICT.