DOH Davao, kinumpirma na meningococcemia ang ikinamatay ng 4-taong gulang na bata

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Davao Region na meningococcemia ang dahilan ng pagkamatay ng isang apat na taong gulang sa lungsod ng Davao.

Ayon kay DOH Davao Regional Director Anabelle Yumang, kinumpirma mismo ito ni Health Secretary Francisco Duque III matapos ang isinagawang confirmatory test sa specimen ng nasabing bata.

Ang apat na taong gulang na batang lalaki ay idinala sa Brokenshire Hospital sa Davao noong Biyernes matapos nanghina, nagkalagnat at nakitaan ng sintomas ng nasabing sakit.

Sa ngayon ay naka-suspinde ang klase ng Leap of Faith Learning Center kung saan nag-aaral ang nasabing bata.

Samantala, binigyan na rin ng prophylaxis ang mga tao na may close contact dito.