DOF, sinigurong hindi magreresulta sa bankruptcy ang  infrastructure loans ng Pilipinas sa China

Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na hindi mauuwi sa bankruptcy ang pangungutang ng Pilipinas sa China para sa iba’t ibang infrastructure projects ng administrasyon.

Ito ay matapos kanselahin ng Prime Minister ng Malaysia ang dalawang malaking infrastructure project nilang uutangin sa China dahil sa pangambang malugi o malubog sila lalo sa utang.

Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni DOF Assistant Secretary Paola Alvarez na iba-iba naman ang terms and conditions ng kada proyekto kaya’t paniguradong magkaiba ang loan terms ng Malaysia at Pilipinas sa China.

Sa ngayon rin aniya ay nasa China ang ilang economic managers ng pamahalaan para isapinal ang negosasyon sa mga uutangin sa kanila.

Kaya rin aniya ipinasa ang Train Law ay para matiyak na hindi kakapusin sa pambayad ng utang ang bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion