DOE at ERC, pinaghahanda ni Rep. Zarate sa nakatakdang maintenance shutdown ng Malampaya

Pinaghahanda na ng plano ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), upang maiwasan ang power outages sa nakatakdang maintenance shutdown ng Malampaya sa October. 

Nasa 3,200 megawatts ng power capacity ang mawawala sa mga consumer, sa scheduled shutdown ng Malampaya mula October 2 hanggang 22.

Nababahala kasi ang kinatawan, na posibleng mag-overlap o magkasabay pa sa time frame ng Malampaya shutdown, ang pagpapaliban kamakailan sa maintenance activities ng mga coal power plant. 

Bunsod nito, ay kinalampag ng mambabatas ang DOE at ERC, na maglabas na ng plano upang hindi na dumagdag pa sa hirap na dulot ng COVID-19 pandemic.