DND at AFP, nakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Nakikiisa ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lahat ng Muslim sa pagdiriwang ngayong araw ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr ay isang oportunidad para sa lahat na magkaisa para matamo ang kapayaan at prosperidad ng bansa.

Sinabi pa ni Lorenzana na siya ay nagpapasalamat sa compassion at unity na ipinamalas ng mga Filipino sa kanilang kapwa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana na batid nila ang mga hamon na kinaharap ng Muslim communities ngayong may pandemya.

Dahil dito, umaasa sila na mas napatatag at napalakas ang pananampalataya ng mga Muslim.

Pagtitiyak naman ng AFP na magpapatuloy ang kanilang suporta sa mga Muslim communities sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng bansa.