Diyalogo ng mga magulang at mga anak na sumali sa mga grupong makakaliwa, itinutulak

Bukas si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago na magsagawa ng isang diyalogo para makapag-usap ang mga magulang at kanilang mga anak na sumali sa mga leftist group.

Ito ang inihayag ng kongresista, kasunod ng naging pagdinig ng Senado sa recruitment o panghihikayat ng mga leftist group sa mga college student na sumali sa kanilang grupo.

Kung matatandaan, dumulog ang mga magulang sa senado dahil sa umano’y pagkawala ng kanilang mga anak matapos ma-recruit ng naturang mga grupo at organizations.

Ayon kay Elago, maigi kung makakapag-usap ang mga magulang at kanilang mga anak upang mabigyang linaw ang isyu at maipabatid na walang masamang layunin ang mga organisasyon sa pagrerecruit ng mga ito.

inigyang diin din ni Elago, na hindi isinasabak o ipinapasok sa armed groups ang mga sumasali sa naturang grupo.

Wala pa naman ibang detalyeng ibinigay ang Kabataan partylist representative kung kailan at saan nila balak idaos ang naturang diyalogo.