Direct party-to-party contact sa pagitan ng PDP Laban at ng Workers’ Party ng Korea, ilulunsad

Isang apat na kataong delegasyon mula sa PDP-Laban ang lumipad kahapon patungong Pyongyang, North Korea para sa paglulunsad ng direct party-to-party contact at ng Workers’ Party ng North Korea.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, PDP-Laban national president, ang nasabing tatlong araw na pulong ay isang makasaysayang panimula ng mas magandang relasyon sa pagitan ng PDP-Laban at ng Workers’ Party ng North Korea.

Ang delegasyon ay binubuo nina PDP-Laban Vice President for Visayas Lutgardo Barbo, Ronwald Munsayac, Raymundo Roquero at Evan Rebadulla.

Ang Pilipinas ay isa mga naunang bansa sa Association of South East Asian Nations o ASEAN na nagkaroon ng diplomatic ties sa North Korea nang ito’y nasa ilalim pa ng pamunuan ni Kim Jong-il, ang ama ng kasalukuyang North Korean supreme leader at chairman ng Workers’ Party ng Korea.

Ang highlight ng pulong ay ang paglagda ng memorandum of understanding na magpapatibay sa pagkakaibigan, pagsusulong ng mas pinaigting na unawaan at ang mas makabuluhan pang mga pag-uusap sa pagitan ng dalawang partido sa hinaharap.  | ulat ni Jojo Ismael