Dine-in services, barbershops at salon sa MECQ areas, pinayagan na ng IATF

Inaprubahan na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik operasyon ng dine in services ng mga restaurant o kainan, sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, papayagan hanggang sa 10 percent ang initial operating capacity ng mga ito.

“The Inter-Agency Task Force (IATF) on Thursday, April 29, 2021, approved the recommendation to allow restaurants, eateries, commissaries, and other food preparation establishments to resume their indoor dine-in services in areas under Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at an initial 10% venue or seating capacity.”—Secretary Roque.

Bukod dito, pinayagan na rin ng IATF ang pagbabalik operasyon ng mga personal care establishments tulad ng beauty salon, beauty parlor, nail spa, at barber shops hanggang 30 percent seating o venue capacity.

Ang mga hindi nabanggit na personal care establishment, ay hindi kabilang sa mga papayagang makabalik operasyon.

“Personal care establishments and services not mentioned above shall not be allowed to operate.” —Secretary Roque.

Ayon kay Secretary Roque, ang serbisyong iaalok ng mga salon at barbershop, ay dapat na limitado lamang sa services na hindi mangangailangan ng pagtanggal ng face mask ng kanilang mga kliyente.

“Also approved is the resumption of operations of beauty salons, beauty parlors, barbershops and nail spas at an initial 30% venue or seating capacity in MECQ areas. Moreover, these establishments shall only provide services that can accommodate the wearing of face masks at all times by clients and service providers.” —Secretary Roque.

Aniya, ang operasyon ng mga nabanggit na establisyimento ay maaaring mag-operate ng lampas sa itinakdang kapasidad, ngunit dapat ay matiyak na mahigpit pa ring masusunod ang mga health protocol o guidelines, alinsunod sa safety seal certification program.

“These food preparation establishments, however, may operate their indoor dine-in services beyond this limitation, provided that they comply with Joint Memorandum Circular No. 21-01 (s. 2021) or the Safety Seal Certification Program.” —Secretary Roque.

Samantala, ayon naman kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, sa May 1 ay maaari nang makapagbukas muli ang mga pinayagang establisyimento.