DILG, umaasa na 100% na susunod ang mga LGUs sa pagproseso ng business licenses

Umaasa ang Department of Interior and Local Government (DILG) na 100% na susunod ang mga local government units (LGUs) sa pag-streamline sa proseso at pag-iisyu ng business licenses, clearances at iba pang permits.

Ito’y kasunod ng pagsasabatas ng Ease of Doing Business Act na mag- oobliga sa mga LGUs na gawing business-friendly at simple ang proseso ng pagnenegosyo.

Kaugnay nito, hinimok ni DILG OIC-Secretary Eduardo Año,
ang mga LGUs na maging proactive sa pagsunod sa mga probisyon ng batas.

Naglabas na rin ng Joint Memorandum Circular ang DILG, DTI at Department of Information and Communication Technology, na naglalaman ng guidelines kaugnay sa pag streamline ng business permits at licensing system.

Base sa records ng Bureau of Local Government Development ng DILG 59.37% lamang o 900 ng mga LGUs ang sumunod sa revised standards sa pag-proseso ng business permits at licenses, na isa sa salient parts ng Republic Act 11032 .