DILG , pinuri ang BJMP sa pagiging drug-free ng 307 bilangguan sa bansa

Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos madeklarang drug-free ang 307 bilangguan sa bansa.

Ito’y sa loob nang halos isang taon pa lamang na pinaigting na ‘internal cleansing’ sa ahensya.

Ayon kay DILG OIC-Secretary Eduardo Año, malaki ang iniunlad ng programa ng BJMP kontra iligal na droga sa mga bilangguan bunga ng kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na ilayo ang mga Pilipino, maging ang mga bilanggo sa impluwensya ng iligal na droga.

Ayon kay Año, dahil sa inisyatibo ng BJMP, tumaas sa 74.51% ang mga bilangguan sa ilalim ng ahensya na drug-free, malayo sa 68 bilangguan na nasertipikahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagpasok ng 2018.  | ulat ni Rey Ferrer