DILG, nilinaw na walang parusa sa hindi pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na walang parusa sa hindi pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, na bagamat minamandato ng Inter-Agency Task Force (IATF) resolution ang pagsusuot ng face shield, ay wala namang penal provision na nakasaad dito sa hindi pagsusuot nito…gayundin aniya sa mga ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.

Aniya, tanging ang pagsusuot ng face shiled ang mahigpit nilang minamandato sa lahat.

Pagdating naman sa mga pribadong establisyimento, sinabi ni Año na desisyon ng mga ito kung imamandato ang mga face shield para makapasok sa kanilang mga establisyimento.

Natalakay ang naturang usapin, matapos tanungin ni Senate President Vicente Sotto III, kung maaari na bang bawiin ang pamamandato na magsuot ng face shield ng publiko.

Giit ni Health Secretary Francisco Duque III, may scientific basis ang pagmamandato sa mga face shield… 

Base aniya sa pag-aaral sa India at ng ilang doktor dito sa Pilipinas, higit 95 percent na proteksyon mula sa aerosol virus ang naibibigay ng mga face shield.

Sinabi naman ni Duque, na maaaring pag-aralan at ikonsidera ng huwag imandato ang face shileds kapag naging malaki na ang coverage ng bansa sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Sa huli, pinagsusumite ng Senado ang Department of Health at IATF ng listahan ng mga bansang nagmamandato at hindi nagmamandato ng pagsusuot ng face shield.