DILG, magsasagawa ng Safety Seal Onsite Inspection sa ilang lugar sa Valenzuela City

Magsasagawa ngayong umaga ng Safety Seal Onsite Inspection ang Department of the Interior and Local Government sa ilang lugar sa Valenzuela City.

Nais tiyakin ng DILG na nakakasunod ang mga business establishments at mga public places sa minimum public health standards at paggamit ng Stay Safe applications na paraan para mapigil ang transmissions ng COVID-19.

Unang bibisitahin ang One Mall sa General T. De Leon Road sa Barangay Gen. T. De Leon at Valenzuela Town Center sa Mcarthur Highway sa Barangay Karuhatan.

Kasama sa pag-inspeksyon si Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, DILG Usec. Jonathan Malaya, Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at kinatawan mula sa Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.