DILG, inatasan na ang PNP na palawakin at pasiglahin ang checkpoints sa mga election hotspots ngayong palapit na ang halalan sa Mayo

Ngayon pa lang, iniutos na ng Department of Interior and Local Government sa Philippine National Police na higpitan na ang pagpapatupad ng regular checkpoints at iba pang security measures sa lahat ng election hotspots sa buong bansa.

Ayon kay DILG OIC Secretary Eduardo Año, habang papalapit ang halalan hindi raw maiwasan na tumaas ang political tension sa mga barangay lalo na sa mga kandidato at supporters.

Ang direktiba ay inilabas ng DILG bilang suporta sa Commission on Elections sa pagganap ng mga tungkulin nito sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 14, ngayong taon.

Sinabi ni Año, kailangan tiyakin ng PNP ang karagdagang deployment ng pulisya sa mga area sa bansa na may history na ng election-related violent incidents.

Base sa datos ng PNP, umaabot sa 5,744 barangays sa buong bansa ang nasa election watchlist nito. Hindi pa kasama ang ilang lugar sa Metro Manila. | via Rey Ferrer