DHSUD, walang nakitang iregularidad sa itinatayong housing project sa Tagaytay

Hindi nakitaan ng iregularidad ng Department of Human Settlement and Urban Development -Region 4A ang housing project ng CitiGlobal Realty & Development Inc.sa Tagaytay, Alfonso, Cavite.

Sa ginawang on-site inspection sa Tagaytay phase project ng DHSUD, nakita ang patuloy na construction at development ng “Tagaytay Clifton Resort Suites” sa gitna ng pandemya.

Ayon kay DHSUD Engr. Daphine Grace Nuñez, hindi raw dapat mabahala ang mga Overseas Filipino Workers at iba pang buyer na nakapag-avail na ng housing units.

Una nang inakusahan ang Citiglobal na sangkot umano sa ‘fraudulent activities’sa pagpapatayo ng pabahay tulad ng paggamit ng mga substandard materials na pinabulaanan naman nito.

Pero aminadong nagkaroon ng delay sa completion ng project dahil sa kapalpakan ng dating kontratista at sa pandemya.

Target ng developer na tapusin ngayong buwan ang kontruksyon ng isa sa sampung condo units.

Pinasimulan na rin nila ang pagturn-over ng mga units sa mga buyers at investors.