DFA, patuloy na nagbibigay ng legal assistance sa OFWs

Tinutugunan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tumataas na bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasasangkot sa illegal drug trafficking.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola ng Migrant Affairs division, nakapagtala sila ng pagtaas sa bilang ng mga OFW na nasasangkot sa iligal na kalakaran ng droga na ngayon ay nasa death row.

Pagtitiyak naman ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., nasa death row man o wala agad na pinadadalhan ng abogado at legal assistance ang sinumang kababayan natin na nahaharap sa kaso.

Sa proposed 2020 budget ng DFA, aabot sa 8.64 million pesos ang target na ilaan sa Consular at Assistance to Nationals Program ng kagawaran.